Waaaa! Naiiyak ako, ang ganda ng mga kanta nila, as in the church ceremony was so solemn, everybody agreed, it was a great wedding. Church pa lang yan ha. Yabang ko.
You know they were so effective, that when they sang Panunumpa, sakto na pagpasok ko, kanta sila ng "Ikaw lamang ang pangakong mahalin..." it was so dramatic, well sabi nila. =) Umiyak si Irwin, Inipon ko lahat ng willpower ko to never cry, ewan ko kung paano ko ginawa, it was like a dream, na parang nag float lang ako. I never looked at anybody while marching, baka ako maiyak, ang bilis ko nga daw maglakad baka kasi if I see a familiar face, na umiiyak ako rin umiyak.

So I tried to walk fast, (shet sana mabagal lang) looked in front, naiwan ko nga yata ang mama at papa ko eh. Well, I also fear na baka madapa ako sa slip on sandals ko. =) nakalimutan ko nga silang i-kiss, shiyet, wala ngang kiss. Pero nagmano ako sa mommy at tatay ni Irwin, kasi nagmano siya kila mama and papa. Haay, if only I could do it all again...

Okey back to Madrigal Singers, one of their members at siyempre kapitbahay ko na naman, (Para bang gusto mo na ring tumira sa UGONG, Pasig) is kababata namin. Same community, church, kalye etc. Ninang ko ang tita niya.
Friends nila Mama ang relatives nila, kung baga parang kapitbahay talaga!

We were checking kung strings ba or choir. Siyempre, punta na naman kami sa lahat ng bridal fair, hanap ng magandang kakanta for the church, kung strings, church and reception nasa 10K. Okey na rin, then we asked the choir of Nuestra Senora, nasa 5K yata, may coordinator na. hmm, if I pay 5K for the choir of NSDG, why not ask Perlita of Madz kung magkano sila.

So I went to their, house, inquired and finally may price na, she was willing to give it to me at half the price, 6 singers lang, bawal pa nga yun eh, kung di lang niya close yung Manager nila, pero bawal nga talaga yun eh, pero nakuha pa rin namin.
Sayang lang she wasn't there.

I decided that it was Madrigal or nothing, I do not want anybody to sing in our wedding except them, buti na lang I can afford them. Buti na lang friend ko si Perl.
Buti na lang. Ang saya saya ko!

I even bought their two albums eh para pumili ng songs nila, Haay! Ang galing wala akong masabi.

I give them a 10 + 10.

Well, ang sarap mag food tasting dito, I was impressed with them, mahusay kausap. Kahit ilang ice cream sa food tasting pwede mong kainin pero limited flavors lang, madali daw naubos yung ice cream kasi nag take home kami ng tig 1/4 per flavor. Hehehe. They served the ice cream yata? Yung iba pumila, yung iba served.
Well, wala naman akong naging problem with them, discounted pa kasi sa Fair ko sila na booked, so I give them a rate of 10 na rin.

Well, everything was taken cared of by my Mother in Law, the arrhae and cord were similar to their own arrhae. It consist of 1947 Philippine coin, yung babae na nakagown na nililipad na nakatayo, yun ang coin namin. Plus the ring costs 9K lang sa Pasig, kasi dun kumukuha ng alahas si Mommy (my mother is Mama) kaya mura lang at kahit na anong gusto mong design pwede. Sandali lang nakuha, makapal pa, white gold siya, ang cost parang 700 per gram yata eh. Ganun.

I hired a papparazzi to take pictures of the guest, ito yung mga manong na nagbebenta ng mga pictures sa simbahan, pero siya official. He is 30 years in business, he lives in Ugong, kapitbahay ulit namin. Total payment ko sa kanya is 2100, bonus na yung 100. I want to help him kasi ito lang ang kabuhayan niya. Kung walang client, wala silang pera, nakita ko lang kasi ang quality ng pix niya nung sagala sa amin, he took some pictures of my sister na sagala, ang ganda. Film ang gamit niya. As in, I cannot believe, ang ganda ng mga kuha niya. So I hired him to be my backup photog, pero ang kausap ko asawa niya hindi siya mismo.

Ang laki ng kasalanan ko sa kanya, hindi ko nasabi kay Irwin na I hired him. Pagdating sa church, shemay sinungitan siya ng mga manang, as in nakakahiya siguro, eh matanda na yung tao, kawawa naman. May mga ibang papparazzi, lumayo na nung nalaman na nagalit yung mga manang. I did not even tell Mimi and Karl, lalo akong naawa sa kanya kasi hindi siya makasingit sa kuhaan ng pictures, siguro all the while they thought he was just a papparazzi. Sumisingit kasi siya eh, nasisingitan sila Karl and Mimi. Haay! Iyon lang ang malaking panghihinayangan ko. Ayaw kong makasakit ng tao, pero ito may tao akong nasaktan.

He was good, he knows all the good poses, there was a time na he asked us Irwin to pose, tapos pati sila Mimi and Karl nakikuha ng pictures.

Haay, siyempre matanda na maramdamin, nakisakay siya dun sa sasakyan nila Mariz, pinasakay naman siya, he has some good pictures, at malinaw, hindi siguro siya nagpapadevelop sa KODAK kasi di niya siguro afford, dun lang siguro sa Pasig.

Nanghingi pa nga ng balance yung wife niya para matubos yung ibang pictures kasi nga, yung unang 600 lang na binigay ko pinambili lang niya ng film.

Pagkakain niya sa reception umuwi na, kwento ng wife niya nagalit daw. Haay, pero naiintindihan naman daw kami. Pero haay..

Lahat talaga kami naawa sa kanya, we even tried to compute kung magkano ang kita niya, siyet kahit na kalahati yata hindi umabot. Haay... Kaya nung binigay nung last ng mga pictures binigyan namin ng souvenir mug at leche flan.

So if anyone wants a backup photo I recommend him, binigay namin yung mga photo niya kung sino mang ang nandun sa pix. Rate ko sa kanya, 10 din, maganda kasi ang kuha niya.

I got them from the last Bridal Fair in The Fort, they did my make up during the 5th year anniversary of W@w. So hindi na ako naghanap ng iba. I got the package of 8500 for four instead of three because I reminded him of his package last W@w anniv, which was a year ago.


That was suppose to be for my mother, 2 sister and me, well, since ABS provided their own make up artist, I was able to save one kaya lahat na lang sila dun nagpa makeup, plus my cousin.

They arrived at exactly 10am, call time, 4 sila, one fixes the hair, the others do the makeup. Since nauna sila they want to have the makeup session facing the window. Pumayag naman ako. Hindi ko naisip na wala akong gagamitin.

Wala na akong nagawa when they transferred the table in front of the mirror to the window side. Late kasi ang makeup artist ng ABS eh, so nauna silang na makeupan. They got the best place in the hotel room. They started to do the makeup for my mother and 2 sisters. I thought sandali lang ang makeup, it took hours pala.

I was instructed by Mimi na dapat ang gown ay beside the window para maganda ang effect. Eh nauna na sila Eddie Bruan, hindi ko na napigil. I was not assertive enough sa gusto ko. since late and makeup artist ng ABS, I have less shots, tapos nang makeupan ang lahat ng entourage ako, 1:30 na yata natapos.

My package included Shu Eumura and Mac yata eh, I forgot na pero ang sabi ni irwin he used Awake daw for my mom para bongga. Pero hindi iyon ang nasa package, natuwa ako, hehehe, kasi mas mahal yun eh, maybe he want them to look good compared to my makeup done by Skilz salon.

Nahuling makeupan yung maid of honor and cousin ko eh, kasi they went out to buy some food for the crew, eh nung tapos nang makeupan ang first batch, hinahanap na sila. I told them they were buying food sabi ni Eddie " okey lang bumubuli naman pala ng pagkain eh". There is something here that irritated me, so I called them right away and pinabalik ko na sila at huwag na silang bumili ng pagkain. I just asked my brothers to buy the food kasi kadadating lang.


My fault, I asked them to buy pa. so when they arrived inayusan na sila, nauna pa rin sila sa akin, because I was waiting for them to finish because I want the window! Nung wala pa sila Ate, dapat pinalipat na sila dun sa inner room eh, pero walang katinag tinag. Gusto nila dun, I sufferred for a while, na tense ng konti.

Plan B, ABS crew took the table sa kabilang room, sa room nila Irwin, so mga 12 na yata ako inayusan. Pero, Skilz makeup artist was there na ng 11 am. We were waiting for them to finish their makeup. Whew! All the time I want to look calm and relax. Pero toxic talaga ito! ako ang bride ako ang nawalan ng pwesto, last na tuloy akong make upan. Pero todo smile pa rin ako kasi I do not want to change mood and be depressed sa lahat ng mga nangyayari.

Yung makeup nilang 5 was great, pero hindi ko type and ayos ng hair ni Ate, since nahuli sila, baka hindi na inayos, or maybe they tried to hide yung ears ni ate or baka dahil na-free ang isa,hindi na inayusan. I do not know the reasons. Kaya nung umalis na sila Eddie, SKilz tried to redo her hair, inayos at nilagyan ng clip.

Pero they stayed pa, naki chikka sa mga taga ABS, nagtatanong tanong, I do not know kung ano talaga ang effect ng media sa mga suppliers ko.

Since nauna silang ma makeupan, mga 2:00 or 1:30 pm, parang oily na ang face nila, mabuti na lang at andun pa rin ang Skilz salon, they put some powder on them para less ang oil.

All in all, I got one for free, they arrived early, they were able to do their job, mas maganda nga kasi parang may competition between him and sa makeup artist ng ABS eh. Pero it is unfair to blame them sa nangyari, sana lang pumayag sila to transfer sa inner room kahit na mahirap mag setup ulit. Pero regrets and there are no more next time. =) Puro sana lang.

So I will give them a rating of 9, for the little stress of not being able to have the makeup fronting the window and not being cooperative.
Everything would have been different kung wala ang media kasi believe me, everybody gets excited and shows a different behavior when they are around pero under normal circumstances, suppliers are normal.


 

Copyright 2006| Blogger Templates by GeckoandFly modified and converted to Blogger Beta by Blogcrowds.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.