Mang Soseng paparazzi

I hired a papparazzi to take pictures of the guest, ito yung mga manong na nagbebenta ng mga pictures sa simbahan, pero siya official. He is 30 years in business, he lives in Ugong, kapitbahay ulit namin. Total payment ko sa kanya is 2100, bonus na yung 100. I want to help him kasi ito lang ang kabuhayan niya. Kung walang client, wala silang pera, nakita ko lang kasi ang quality ng pix niya nung sagala sa amin, he took some pictures of my sister na sagala, ang ganda. Film ang gamit niya. As in, I cannot believe, ang ganda ng mga kuha niya. So I hired him to be my backup photog, pero ang kausap ko asawa niya hindi siya mismo.

Ang laki ng kasalanan ko sa kanya, hindi ko nasabi kay Irwin na I hired him. Pagdating sa church, shemay sinungitan siya ng mga manang, as in nakakahiya siguro, eh matanda na yung tao, kawawa naman. May mga ibang papparazzi, lumayo na nung nalaman na nagalit yung mga manang. I did not even tell Mimi and Karl, lalo akong naawa sa kanya kasi hindi siya makasingit sa kuhaan ng pictures, siguro all the while they thought he was just a papparazzi. Sumisingit kasi siya eh, nasisingitan sila Karl and Mimi. Haay! Iyon lang ang malaking panghihinayangan ko. Ayaw kong makasakit ng tao, pero ito may tao akong nasaktan.

He was good, he knows all the good poses, there was a time na he asked us Irwin to pose, tapos pati sila Mimi and Karl nakikuha ng pictures.

Haay, siyempre matanda na maramdamin, nakisakay siya dun sa sasakyan nila Mariz, pinasakay naman siya, he has some good pictures, at malinaw, hindi siguro siya nagpapadevelop sa KODAK kasi di niya siguro afford, dun lang siguro sa Pasig.

Nanghingi pa nga ng balance yung wife niya para matubos yung ibang pictures kasi nga, yung unang 600 lang na binigay ko pinambili lang niya ng film.

Pagkakain niya sa reception umuwi na, kwento ng wife niya nagalit daw. Haay, pero naiintindihan naman daw kami. Pero haay..

Lahat talaga kami naawa sa kanya, we even tried to compute kung magkano ang kita niya, siyet kahit na kalahati yata hindi umabot. Haay... Kaya nung binigay nung last ng mga pictures binigyan namin ng souvenir mug at leche flan.

So if anyone wants a backup photo I recommend him, binigay namin yung mga photo niya kung sino mang ang nandun sa pix. Rate ko sa kanya, 10 din, maganda kasi ang kuha niya.

0 comments:


 

Copyright 2006| Blogger Templates by GeckoandFly modified and converted to Blogger Beta by Blogcrowds.
No part of the content or the blog may be reproduced without prior written permission.